Bakit namimigay ng SPAM ang mga Koreano tuwing Chuseok
Ni Sunam ParkPara sa isang dayuhan, kakaiba ang tanawing masasalubong pagpasok sa malalaking supermarket sa Korea bago ang Chuseok. Ang parisukat na SPAM na karaniwang nakalagay sa seksiyon ng mga side dish ay inilalagay sa pinakaharap na bahagi ng tindahan pagsapit ng panahon ng Chuseok, at maayos na ipinapakita sa mga gintong kahon na mukhang mamahalin.